Kaibhan

Heto ako’t nagbabasa ng
mga kuwentong hindi kuwento
ni Chekhov habang ang iba’y
nagti-TV o nagla-laptop at
naglalaro ng online games o
nagtsi-tsismisan o nagtatalumpati
nang walang kabuluhan.
Magagaling naman sila
sa ibang gawain, hindi lang
nagbabasa o nagsusulat.

Mamaya isusunod ko ang mga
bastos na tulang hindi tula ni
Bukowski. Pero hanggang gano’n
lang ako at hanggang gano’n
din sila at iyan ang kaibhan.

About Lorenzo A. Fernandez Jr.

Writing is the only thing that matters to me. . . . And what to write? Well, write what you like, not necessarily what you know. Don't worry about what you know. Your imagination knows everything.
This entry was posted in Filipino poetry, makata, tula, Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a comment